1 Juan 2:1-2
1 Juan 2:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, na isang matuwid. Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.
1 Juan 2:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga minamahal kong anak, isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may nakikiusap sa Ama para sa atin – si Hesu-Kristo, na siyang matuwid. Siya ang inialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng ating mga kasalanan kundi pati na rin ng kasalanan ng buong sanlibutan.
1 Juan 2:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.
1 Juan 2:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, na isang matuwid. Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.
1 Juan 2:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)