Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:17-22 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 9:17-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Pumunta nga si Ananias sa naturang bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. Sabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.” Noon di'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo. Kumain siya at nagbalik ang kanyang lakas. Si Saulo'y ilang araw na kasa-kasama ng mga alagad sa Damasco. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral na si Jesus ang Anak ng Diyos. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. “Hindi ba siya ang dating umuusig sa mga sumasamba kay Jesus sa Jerusalem?” tanong nila. “Hindi ba't naparito siya upang sila'y dakpin at dalhing nakagapos sa mga punong pari?” Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.

Mga Gawa 9:17-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa naturang bahay at pumasok siya rito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoong Hesus na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito ang nagsugo sa akin. Inutusan niya ako rito upang muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.” Biglang may nahulog na parang mga kaliskis ng isda mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo. At pagkatapos, kumain siya at muling lumakas. Nanatili si Saulo ng ilang araw sa Damasco kasama ng mga alagad. Agad niyang ipinangaral sa mga sinagoga na si Hesus ang Anak ng Diyos. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. Sinabi nila, “Hindi baʼt ito ang lalaking nagpahirap sa mga sumasampalataya kay Hesus sa Jerusalem? Hindi baʼt naparito siya para hulihin sila at dalhin sa mga namamahalang pari?” Lalo pang naging makapangyarihan ang pangangaral ni Saulo. At hindi makasagot sa kanya ang mga Hudyo sa Damasco nang patunayan niyang si Hesus ang Mesias.

Mga Gawa 9:17-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Pumunta nga si Ananias sa naturang bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. Sabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.” Noon di'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo. Kumain siya at nagbalik ang kanyang lakas. Si Saulo'y ilang araw na kasa-kasama ng mga alagad sa Damasco. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral na si Jesus ang Anak ng Diyos. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. “Hindi ba siya ang dating umuusig sa mga sumasamba kay Jesus sa Jerusalem?” tanong nila. “Hindi ba't naparito siya upang sila'y dakpin at dalhing nakagapos sa mga punong pari?” Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.

Mga Gawa 9:17-22 TLAB (Ang Biblia)

At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo. At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan; At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco. At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios. At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila'y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote. Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.

Mga Gawa 9:17-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))