Amos 4:10-13
Amos 4:10-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto. Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan; inagaw ko ang inyong mga kabayo. Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga, subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin. “Pinuksa ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra. Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy, ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh. “Mga taga-Israel gagawin ko ito sa inyo, kaya humanda kayong humarap sa inyong Diyos!” Siya ang lumikha ng mga bundok at ng hangin, at ang nagpapahayag sa mga tao ng kanyang kaisipan. Ginagawa niyang gabi ang araw; siya ang naghahari sa buong sanlibutan. Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang pangalan!
Amos 4:10-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. Aking ibinuwal ang iba sa inyo, gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel. Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.
Amos 4:10-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Pinadalhan ko rin kayo ng mga salot katulad ng mga ipinadala ko sa Egipto noon. Ipinapatay ko ang inyong mga binata sa digmaan at ipinabihag ang inyong mga kabayo. Pinahirapan ko rin kayo sa baho ng mga patay sa inyong mga kampo. Pero hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. “Nilipol ko ang iba sa inyo katulad ng ginawa ko sa Sodom at Gomora. At ang ilan sa inyo na nakaligtas ay parang panggatong na inagaw sa apoy. Pero hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. “Kaya muli kong gagawin ang mga parusang ito sa inyo na mga taga-Israel. At dahil gagawin ko ito, humanda kayo sa pagharap sa akin na inyong Dios!” Ang Dios ang lumikha ng mga bundok at ng hangin, at siya rin ang nagpapalipas ng araw para maging gabi. Ipinapaalam niya sa tao ang kanyang mga plano at siya ang namamahala sa buong mundo. Ang kanyang pangalan ay PANGINOON, ang Dios na Makapangyarihan.
Amos 4:10-13 Ang Biblia (TLAB)
Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. Aking ibinuwal ang iba sa inyo, gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel. Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa, ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.
Amos 4:10-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)