Amos 6:7-14
Amos 6:7-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya kayong mga pinuno ang unang bibihagin at matitigil na ang inyong mga pagpipista at pagwawalang-bahala. Sumumpa ang Panginoong DIOS, ang Dios na Makapangyarihan. Sinabi niya, “Kinamumuhian ko ang pagmamataas ng mga lahi ni Jacob, at kinasusuklaman ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod. Kaya ipapasakop ko sa kaaway ang kanilang lungsod at ang lahat ng naroroon.” Kung may sampung tao na matitira sa isang bahay, lahat sila ay mamamatay. Ang bangkay ng namatay ay kukunin ng kanyang kamag-anak upang sunugin. Tatanungin niya ang nagtatago sa kaloob-looban ng bahay, “May kasama ka pa riyan?” Kapag sumagot siya ng wala, sasabihin ng nagtanong, “Tumahimik ka na! Baka mabanggit mo pa ang pangalan ng PANGINOON at maparusahan tayo.” Ang totoo, kapag ang PANGINOON na ang nag-uutos, mawawasak ang lahat ng bahay, malaki man o maliit. Makakatakbo ba ang kabayo sa batuhan? Makakapag-araro ba ang baka roon? Siyempre hindi! Pero binaliktad ninyo ang katarungan para mapahamak ang tao, at ang katarungan ay ginawa ninyong masama. Tuwang-tuwa kayo nang nasakop ninyo ang mga bayan ng Lo Debar at Karnaim, at sinasabi ninyo, “Natalo natin sila sa pamamagitan ng sarili nating kalakasan.” Pero ito ang sagot ng PANGINOONG Dios na Makapangyarihan, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay ipasasalakay ko sa isang bansa. Pahihirapan nila kayo at sasakupin ang inyong lugar mula Lebo Hamat hanggang sa lambak ng Araba.”
Amos 6:7-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam. Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon. At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay. At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon. Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas. Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran, Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan? Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.
Amos 6:7-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga't kayo ang unang magiging bihag; matitigil na ang inyong mga handaan at pagdiriwang. Mariing ipinahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, “Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel! Hindi ako nalulugod sa kanilang mga tanggulan. Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.” Kung sasampung lalaki ang natira sa isang pamilya, silang lahat ay mamamatay. Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh. Kapag siya ang nag-utos, magkakadurug-durog ang mga bahay, malaki man o maliit. Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo? Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka? Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan at pinalitaw na mali ang tama. Tuwang-tuwa kayo nang masakop ninyo ang bayan ng Lo-debar. Sabi ninyo, “Tayo'y malakas at nakaya nating sakupin ang Karnaim.” Ngunit ito ang sagot ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat: “Susuguin ko ang isang bansa laban sa inyo, mga taga-Israel. Kayo'y pahihirapan buhat sa Pasong Hamat sa hilaga hanggang sa Batis ng Araba sa timog.”
Amos 6:7-14 Ang Biblia (TLAB)

Amos 6:7-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)