Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Daniel 3:3-16 - Compare All Versions

Daniel 3:3-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang nasa harap na sila ng rebulto, malakas na ipinahayag ng tagapagbalita, “Iniuutos sa lahat ng tao, mula sa lahat ng bansa at wika, na lumuhod at sumamba sa rebultong ipinagawa ni Haring Nebucadnezar sa sandaling marinig ang tunog ng tambuli, plauta, lira, sitar, alpa, at iba pang instrumento. Sinumang hindi sumunod sa utos na ito ay ihahagis agad sa naglalagablab na pugon.” Nang marinig nga ng mga tao ang tunog ng mga instrumento, agad silang lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na ipinagawa ni Haring Nebucadnezar. Sinamantala ito ng ilang mga mamamayan ng Babilonia upang paratangan ang mga Judio. Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Mabuhay ang mahal na hari! Iniutos po ninyo na lumuhod at sumamba sa inyong rebultong ginto ang sinumang makarinig sa tugtog ng mga instrumento. At sinumang hindi sumunod ay ihahagis sa naglalagablab na pugon. Hindi po sumusunod sa utos ninyo sina Shadrac, Meshac, at Abednego, ang mga Judiong inilagay ninyo bilang mga tagapamahala sa Babilonia. Hindi po sila naglilingkod sa inyong diyos ni sumasamba sa ipinagawa ninyong rebultong ginto.” Nagalit si Haring Nebucadnezar nang marinig ito, at ipinatawag niya ang tatlong lalaki. Sinabi niya, “Shadrac, Meshac, at Abednego, totoo bang hindi kayo naglilingkod sa aking mga diyos ni sumasamba sa rebultong ginto na aking ipinagawa? Iniuutos ko sa inyong lumuhod kayo at sumamba sa ipinagawa kong rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon. Sa palagay ba ninyo'y may diyos na makakapagligtas sa inyo mula sa aking kapangyarihan?” Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito.

Daniel 3:3-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kaya ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan ay nagtipon para sa pagtatalaga ng rebultong ipinatayo ni Haring Nebucadnezar. Tumayo silang lahat sa harapan nito. At sumigaw ang tagapagbalita, “Kayong mga nanggaling sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika, kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang mga instrumento, lumuhod kayo agad at sumamba sa rebultong itinayo ni Haring Nebucadnezar. Ang sinumang hindi sumamba ay agad na itatapon sa naglalagablab na hurno.” Kaya nang marinig nila ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang instrumento, ang lahat ng mga tao mula sa ibaʼt ibang lahi at wika ay lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na itinayo ni Haring Nebucadnezar. Nang panahong iyon, may ilang taga-Babilonia na lumapit sa hari at pinaratangan nila ang mga Hudyo. Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Nawaʼy humaba pa ang inyong buhay, Mahal na Hari! Hindi baʼt nag-utos po ang Mahal na Hari na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto, at ang hindi sasamba ay itatapon sa naglalagablab na hurno? Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.” Nang marinig iyon ng hari, nagalit siya nang husto. Kaya ipinatawag ni Nebucadnezar sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko? Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.” Sumagot sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na Haring Nebucadnezar, hindi po namin kailangang ipagtanggol ang aming mga sarili sa inyo tungkol sa bagay na ito.

Daniel 3:3-16 TLAB (Ang Biblia)

Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari; At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari. Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo. Nang magkagayo'y sa poot at pusok ni Nabucodonosor, ay nagutos na dalhin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego. Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari. Si Nabucodonosor ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Sinasadya nga ba ninyo, Oh Sadrach, Mesach, at Abed-nego, na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo? Kung kayo nga'y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa, mabuti: nguni't kung kayo'y hindi magsisamba, kayo'y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay? Si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito.

Daniel 3:3-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang nasa harap na sila ng rebulto, malakas na ipinahayag ng tagapagbalita, “Iniuutos sa lahat ng tao, mula sa lahat ng bansa at wika, na lumuhod at sumamba sa rebultong ipinagawa ni Haring Nebucadnezar sa sandaling marinig ang tunog ng tambuli, plauta, lira, sitar, alpa, at iba pang instrumento. Sinumang hindi sumunod sa utos na ito ay ihahagis agad sa naglalagablab na pugon.” Nang marinig nga ng mga tao ang tunog ng mga instrumento, agad silang lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na ipinagawa ni Haring Nebucadnezar. Sinamantala ito ng ilang mga mamamayan ng Babilonia upang paratangan ang mga Judio. Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Mabuhay ang mahal na hari! Iniutos po ninyo na lumuhod at sumamba sa inyong rebultong ginto ang sinumang makarinig sa tugtog ng mga instrumento. At sinumang hindi sumunod ay ihahagis sa naglalagablab na pugon. Hindi po sumusunod sa utos ninyo sina Shadrac, Meshac, at Abednego, ang mga Judiong inilagay ninyo bilang mga tagapamahala sa Babilonia. Hindi po sila naglilingkod sa inyong diyos ni sumasamba sa ipinagawa ninyong rebultong ginto.” Nagalit si Haring Nebucadnezar nang marinig ito, at ipinatawag niya ang tatlong lalaki. Sinabi niya, “Shadrac, Meshac, at Abednego, totoo bang hindi kayo naglilingkod sa aking mga diyos ni sumasamba sa rebultong ginto na aking ipinagawa? Iniuutos ko sa inyong lumuhod kayo at sumamba sa ipinagawa kong rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon. Sa palagay ba ninyo'y may diyos na makakapagligtas sa inyo mula sa aking kapangyarihan?” Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito.

Daniel 3:3-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))