Ang Mangangaral 12:6-7
Ang Mangangaral 12:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at ito'y babagsak at masisira. Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito.
Ang Mangangaral 12:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at ito'y babagsak at masisira. Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito.
Ang Mangangaral 12:6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya alalahanin mo ang Dios habang nabubuhay ka, habang hindi pa nalalagot ang kadenang pilak at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan, o hindi pa nalalagot ang tali ng timba sa balon, at nasisira ang kalo nito. Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu moʼy babalik sa Dios na siyang nagbigay nito.
Ang Mangangaral 12:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon; At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.
Ang Mangangaral 12:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)