Ang Mangangaral 3:1-11
Ang Mangangaral 3:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan. Ano ang mapapala ng tao sa kanyang pinagpaguran? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Ang Mangangaral 3:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang. May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay. May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap; may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon. May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi; may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita. May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit; may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan. Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao? Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
Ang Mangangaral 3:1-11 Ang Biblia (TLAB)
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan. Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan? Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Ang Mangangaral 3:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan. Ano ang mapapala ng tao sa kanyang pinagpaguran? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Ang Mangangaral 3:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)