May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang. May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay. May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap; may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon. May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi; may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita. May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit; may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan. Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao? Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
Basahin Mangangaral 3
Makinig sa Mangangaral 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mangangaral 3:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas