Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Exodo 25:10-22 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Exodo 25:10-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas. Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto. Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila. Gumawa rin kayo ng kahoy na pampasan na yari sa akasya, babalutin din ito ng ginto at isuot ninyo ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid ng kaban upang maging pasanan nito. Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan. Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban. “Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.

Exodo 25:10-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“Magpagawa ka ng Kahon na yari sa akasya: mga apatnapuʼt limang pulgada ang haba, dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada rin ang taas. Balutan ninyo ito ng purong ginto sa loob at labas, at palagyan ng hinulmang ginto ang paligid nito. Maghulma ka ng apat na argolyang ginto at ikabit ito sa apat na paa nito, dalawa sa bawat gilid. Magpagawa ka rin ng tukod na akasya at balutan ito ng ginto. Isuot mo ang tukod sa mga argolyang ginto sa bawat gilid ng Kahon upang mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod. Huwag ninyong tatanggalin ang argolyang ginto sa tukod ng Kahon. Pagkatapos, ipasok mo sa Kahon ang malalapad na bato ng kasunduan na ibibigay ko sa iyo. “Magpagawa ka ng takip ng kapatawaran gamit ang purong ginto, apatnapuʼt limang pulgada ang haba at dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad. Magpagawa ka rin ng dalawang gintong kerubin gamit ang pinanday na ginto, at ilagay ito sa mga dulo ng takip. Ilagay ang isang kerubin sa isang dulo at ang isa naman sa kabilang dulo. Ang mga kerubin ay gawing kaisang piraso ng takip sa magkabilang dulo nito. Kailangang nakabuka paitaas ang pakpak ng mga kerubin na nakalukob sa takip. Dapat magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip. Ilagay mo sa Kahon ang malalapad na batong ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon. Makikipagkita ako sa iyo roon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon, at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng utos para sa mga mamamayan ng Israel.

Exodo 25:10-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas. Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto. Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila. Gumawa rin kayo ng kahoy na pampasan na yari sa akasya, babalutin din ito ng ginto at isuot ninyo ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid ng kaban upang maging pasanan nito. Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan. Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban. “Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.

Exodo 25:10-22 TLAB (Ang Biblia)

At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon. At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot. At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon. At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto. At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban. Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon. At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo. At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.

Exodo 25:10-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))