Exodo 26:14-37 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Exodo 26:14-37 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito ay lalagyan pa ng dalawang patong ng pulang balat: ang ilalim ay balat ng tupang lalaki at ang ibabaw ay balat na mainam. “Ang tabernakulo'y igawa mo ng mga patayong haligi na gawa sa akasya; bawat haligi ay 4 na metro ang haba at 0.7 metro naman ang lapad. Bawat haligi ay lagyan mo ng tigalawang mitsa para sa pagdurugtong. Sa gawing timog, dalawampung haligi ang ilagay mo at ikabit sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat haligi. Dalawampung haligi rin ang gawin mo para sa gawing hilaga at apatnapung patungan, dalawa rin sa bawat haligi. Sa likod naman, sa gawing kanluran ay anim na haligi ang ilagay mo at dalawa para sa mga sulok. Ang mga haliging panulok ay pagkabitin mo mula sa ibaba hanggang sa may argolya sa itaas. Kaya, walong lahat ang haligi sa likuran at labing-anim naman ang patungan. “Gagawa ka rin ng pahalang na haligi na yari sa akasya, lima sa isang tabi, lima sa kabila, at lima sa likod, sa gawing kanluran. Ang mga pahalang na haliging panggitna ay abot sa magkabilang dulo ng dingding. Ang mga patayong haligi ay balutin mo ng ginto at kabitan ng mga argolyang ginto na pagsusuutan ng mga pahalang na haligi na binalot din ng ginto. Gawin mo ang tabernakulo ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok. “Gumawa ka ng kurtinang yari sa puting lino at lanang asul, kulay ube at kulay pula. Burdahan mo ito ng larawan ng kerubin. Isabit mo ito sa mga kawit na ginto na nakakabit sa apat na haliging akasya na binalot din ng ginto at nakatindig sa apat na patungang pilak. Isabit mo ang tabing na ito sa tapat ng kawit sa bubong ng tabernakulo at ilagay sa likod ng tabing ang Kaban ng Tipan. Ang tabing na ito ang siyang maghihiwalay sa Dakong Banal at sa Dakong Kabanal-banalan. Ang Luklukan ng Awa ay ilagay mo sa ibabaw ng Kaban ng Tipan na nasa Dakong Kabanal-banalan. Ang mesa ay ilagay mo sa labas ng kurtina, sa gawing hilaga ng Dakong Banal at sa gawing timog naman ang patungan ng ilaw. “Ang pintuan ng tabernakulo'y lagyan mo ng kurtinang iba't ibang kulay na hinabi sa lanang asul, kulay ube at kulay pula, at telang lino. Ito'y buburdahan nang maganda. Gumawa ka ng limang posteng akasya para sa tabing. Balutin mo ito ng ginto, kabitan ng argolyang ginto at itayo sa limang tuntungang tanso.
Exodo 26:14-37 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang ibabaw ng talukbong ng Tolda ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat. “Dapat ang balangkas ng Tolda ay tablang akasya. Ang haba ng bawat tabla ay labinlimang talampakan at ang lapad ay dalawang talampakan. Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa upang maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla. Ang dalawampu sa mga tablang ito ay gagamitin sa pagtatayo ng Tolda sa timog na bahagi. Ang mga tablang ito ay isinuksok sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla. Ang hilagang bahagi ng Tolda ay gagamitan din ng dalawampung tabla, at isinuksok din sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla. Ang bandang kanlurang bahagi naman ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla, at dalawang tabla sa mga gilid nito. Pagdugtungin ang mga tabla sa mga sulok mula sa ilalim hanggang sa itaas. Kailangang ganito rin ang gawin sa dalawang tabla sa mga gilid. Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa labing-anim na patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla. “Magpagawa ka rin ng mga akasyang biga: lima para sa bahaging hilaga ng Tolda, lima rin sa bahaging timog, at lima rin sa bahaging kanluran sa likod ng Tolda. Ang biga sa gitna ng balangkas ay manggagaling sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo. Pabalutan ng ginto ang mga tabla at palagyan ng mga argolyang ginto na pagsusuotan ng mga biga, pabalutan din ng ginto ang mga biga. “Kailangang ipatayo mo ang Tabernakulo ayon sa planong sinabi ko sa iyo rito sa bundok. “Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda. Ipasabit mo ito sa apat na haliging yari sa akasya at nababalutan ng ginto gamit ang mga kawit na ginto. Ang apat na haliging ito ay nakasuksok sa apat na patungang gawa sa pilak. Kapag naisabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar. Ilagay mo ang takip ng kapatawaran sa Kahon ng Kasunduan na nasa Pinakabanal na Lugar. Ilagay mo ang mesa sa labas ng tabing, sa hilagang bahagi ng Tolda, at ang ilawan sa bandang timog na tapat ng mesa. “Para sa pintuan ng bakuran, palagyan mo ng tabing na tatlumpung talampakan ang haba na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda. Pagkatapos, ipakabit ito sa mga kawit na ginto sa limang haliging akasya na nababalutan ng ginto. Ang limang haliging ito ay nakasuksok sa limang patungang tanso.
Exodo 26:14-37 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito ay lalagyan pa ng dalawang patong ng pulang balat: ang ilalim ay balat ng tupang lalaki at ang ibabaw ay balat na mainam. “Ang tabernakulo'y igawa mo ng mga patayong haligi na gawa sa akasya; bawat haligi ay 4 na metro ang haba at 0.7 metro naman ang lapad. Bawat haligi ay lagyan mo ng tigalawang mitsa para sa pagdurugtong. Sa gawing timog, dalawampung haligi ang ilagay mo at ikabit sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat haligi. Dalawampung haligi rin ang gawin mo para sa gawing hilaga at apatnapung patungan, dalawa rin sa bawat haligi. Sa likod naman, sa gawing kanluran ay anim na haligi ang ilagay mo at dalawa para sa mga sulok. Ang mga haliging panulok ay pagkabitin mo mula sa ibaba hanggang sa may argolya sa itaas. Kaya, walong lahat ang haligi sa likuran at labing-anim naman ang patungan. “Gagawa ka rin ng pahalang na haligi na yari sa akasya, lima sa isang tabi, lima sa kabila, at lima sa likod, sa gawing kanluran. Ang mga pahalang na haliging panggitna ay abot sa magkabilang dulo ng dingding. Ang mga patayong haligi ay balutin mo ng ginto at kabitan ng mga argolyang ginto na pagsusuutan ng mga pahalang na haligi na binalot din ng ginto. Gawin mo ang tabernakulo ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok. “Gumawa ka ng kurtinang yari sa puting lino at lanang asul, kulay ube at kulay pula. Burdahan mo ito ng larawan ng kerubin. Isabit mo ito sa mga kawit na ginto na nakakabit sa apat na haliging akasya na binalot din ng ginto at nakatindig sa apat na patungang pilak. Isabit mo ang tabing na ito sa tapat ng kawit sa bubong ng tabernakulo at ilagay sa likod ng tabing ang Kaban ng Tipan. Ang tabing na ito ang siyang maghihiwalay sa Dakong Banal at sa Dakong Kabanal-banalan. Ang Luklukan ng Awa ay ilagay mo sa ibabaw ng Kaban ng Tipan na nasa Dakong Kabanal-banalan. Ang mesa ay ilagay mo sa labas ng kurtina, sa gawing hilaga ng Dakong Banal at sa gawing timog naman ang patungan ng ilaw. “Ang pintuan ng tabernakulo'y lagyan mo ng kurtinang iba't ibang kulay na hinabi sa lanang asul, kulay ube at kulay pula, at telang lino. Ito'y buburdahan nang maganda. Gumawa ka ng limang posteng akasya para sa tabing. Balutin mo ito ng ginto, kabitan ng argolyang ginto at itayo sa limang tuntungang tanso.
Exodo 26:14-37 TLAB (Ang Biblia)
At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula, at isang pangtakip na balat ng poka, sa ibabaw. At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, na kahoy na akasia na mga patayo. Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla, at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa't tabla. Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa't tabla na nagkakasugpong na isa't isa: ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo. At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo: dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan. At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa: At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla: At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla. At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok. At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. At gagawa ka ng mga barakilan, na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo; At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran. At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila. At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla, at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan: at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan. At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon, na ipinakita sa iyo sa bundok. At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari: At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak. At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan: at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan. At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube, at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda. At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin: at ipagbububo mo ng limang tungtungan.
Exodo 26:14-37 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))