Mga Taga-Galacia 6:3-5
Mga Taga-Galacia 6:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.
Mga Taga-Galacia 6:3-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung mayroon sa inyong nag-aakala na nakakahigit siya sa iba gayong hindi naman, nililinlang lamang niya ang kanyang sarili. Dapat suriin ng bawat isa ang ginagawa niya. At kung mabuti ang ginagawa niya, magalak siya. Pero huwag niyang ikukumpara ang sarili niya sa iba, dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.
Mga Taga-Galacia 6:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya. Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa. Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.
Mga Taga-Galacia 6:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.
Mga Taga-Galacia 6:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)