Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Genesis 16:6-16 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Genesis 16:6-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

At sumagot si Abram, “Alipin mo naman siya, kaya gawin mo sa kanya ang gusto mo.” Pinagmalupitan nga ni Sarai si Hagar, kaya ito'y tumakas. Sinalubong siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal sa ilang na malapit sa daang patungo sa Shur. “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” tanong ng anghel. “Tumakas po ako sa aking panginoon,” ang sagot ni Hagar. Sinabi ng anghel, “Magbalik ka at muling magpasakop sa kanya. Mga anak mo ay aking pararamihin, at sa karamiha'y di kayang bilangin; di na magtatagal, ika'y magsisilang, Ismael ang sa kanya'y iyong ipangalan, sapagkat dininig ni Yahweh ang iyong karaingan. Ngunit ang anak mo'y magiging mailap, hayop na asno ang makakatulad; maraming kalaban, kaaway ng lahat, di makikisama sa mga kaanak.” Kaya't nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo'y buháy pa rin ako?” Kaya't tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.” Kaya't ang balon sa pagitan ng Kades at Bered ay tinawag nilang, “Balon ng Diyos na Buháy at Nakakakita sa Akin.” Nagsilang nga si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram at ito'y pinangalanan nitong Ismael. Noo'y walumpu't anim na taon na si Abram.

Genesis 16:6-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya tumakas na lamang ito. Nakita si Hagar ng anghel ng PANGINOON doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur. Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” Sumagot siya, “Tumakas po ako sa amo kong si Sarai.” Sinabi ng anghel ng PANGINOON sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.” Pagkatapos, sinabi pa ng anghel, “Pararamihin ko ang lahi mo, at ang dami nilaʼy hindi mabibilang.” At sinabi pa ng anghel ng PANGINOON sa kanya, “Nagdadalantao ka ngayon at magsisilang ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ismael, sapagkat narinig ng PANGINOON ang iyong pagdaing. Ngunit ang anak mo ay mabubuhay tulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay kakalabanin sa kanya.” Tinawag ni Hagar na “Diyos na Nakakakita” ang pangalan ng PANGINOON na nakipag-usap sa kanya, sapagkat sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Diyos na nakakakita sa akin sa lugar na ito?” Iyon ang bukal na naroon sa gitna ng Kades at Bered na tinatawag na Beer-lahai-roi. At nagsilang si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram. Pinangalanan niya ang kanyang anak ng Ismael. Si Abram ay walumpuʼt anim na taóng gulang nang ipinanganak ni Hagar si Ismael.

Genesis 16:6-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

At sumagot si Abram, “Alipin mo naman siya, kaya gawin mo sa kanya ang gusto mo.” Pinagmalupitan nga ni Sarai si Hagar, kaya ito'y tumakas. Sinalubong siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal sa ilang na malapit sa daang patungo sa Shur. “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” tanong ng anghel. “Tumakas po ako sa aking panginoon,” ang sagot ni Hagar. Sinabi ng anghel, “Magbalik ka at muling magpasakop sa kanya. Mga anak mo ay aking pararamihin, at sa karamiha'y di kayang bilangin; di na magtatagal, ika'y magsisilang, Ismael ang sa kanya'y iyong ipangalan, sapagkat dininig ni Yahweh ang iyong karaingan. Ngunit ang anak mo'y magiging mailap, hayop na asno ang makakatulad; maraming kalaban, kaaway ng lahat, di makikisama sa mga kaanak.” Kaya't nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo'y buháy pa rin ako?” Kaya't tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.” Kaya't ang balon sa pagitan ng Kades at Bered ay tinawag nilang, “Balon ng Diyos na Buháy at Nakakakita sa Akin.” Nagsilang nga si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram at ito'y pinangalanan nitong Ismael. Noo'y walumpu't anim na taon na si Abram.

Genesis 16:6-16 TLAB (Ang Biblia)

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap. At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur. At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian. At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid. At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin? Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered. At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael. At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.

Genesis 16:6-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap. At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur. At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan. At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't dininig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian. At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid. At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin? Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered. At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael. At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.