Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Genesis 42:1-14 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Genesis 42:1-14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang mabalitaan ni Jacob na maraming pagkain sa Egipto, sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Ano pang hinihintay ninyo? Pumunta kayo sa Egipto at bumili agad ng pagkain upang hindi tayo mamatay sa gutom. Balita ko'y maraming pagkain doon.” Pumunta nga sa Egipto ang sampung kapatid ni Jose upang bumili ng pagkain. Si Benjamin, ang tunay na kapatid ni Jose, ay hindi na pinasama ni Jacob sa takot na may masamang mangyari sa kanya. Kasama ng ibang taga-Canaan, lumakad ang mga anak ni Jacob upang bumili ng pagkain sapagkat laganap na ang taggutom sa buong Canaan. Bilang gobernador ng Egipto, si Jose ang nagbebenta ng pagkain sa mga tao, kaya't sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. Paglapit ng mga ito, sila'y yumukod sa kanyang harapan. Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong. “Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila. Nakilala nga ni Jose ang kanyang mga kapatid ngunit hindi siya namukhaan ng mga ito. Naalala niya ang kanyang mga panaginip tungkol sa kanila, kaya't sinabi niya, “Kayo'y mga espiya, at naparito kayo upang makita ang kahinaan ng aming bansa, hindi ba?” “Hindi po! Kami pong mga lingkod ninyo'y bumibili lamang ng pagkain. Magkakapatid po kami, at kami'y mga taong tapat. Hindi po kami mga espiya.” “Hindi ako naniniwala,” sabi ni Jose. “Naparito kayo upang alamin ang kahinaan ng aming bansa!” Kaya't nagmakaawa sila, “Ginoo, kami po'y labindalawang magkakapatid; nasa Canaan po ang aming ama. Pinaiwan po ang bunso naming kapatid; ang isa po nama'y patay na.” Sinabi ni Jose, “Tulad ng sinabi ko, kayo'y mga espiya!

Genesis 42:1-14 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang malaman ni Jacob na may ibinebentang pagkain sa Ehipto, sinabi niya sa mga anak niyang lalaki, “Ano pa ang hinihintay ninyo? Nabalitaan ko na may ipinagbibili raw na pagkain sa Ehipto kaya pumunta kayo roon at bumili upang hindi tayo mamatay sa gutom.” Kaya lumakad ang sampung kapatid ni Jose sa Ehipto upang bumili ng pagkain. Ngunit hindi ipinasama ni Jacob si Benjamin na nakababatang kapatid ni Jose dahil natatakot siya na baka may masamang mangyari sa kanya. Kaya pumunta ang mga anak ni Jacob sa Ehipto kasama ng mga taga-ibang lugar upang bumili ng pagkain, dahil laganap na ang taggutom sa buong Canaan. Bilang gobernador ng Ehipto, tungkulin ni Jose na pagbilhan ng pagkain ang lahat ng tao. Kaya pagdating ng mga kapatid niya, nagpatirapa sila sa harapan ni Jose. Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito ngunit siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila. Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito upang bumili ng pagkain.” Kahit nakilala ni Jose ang mga kapatid niya, hindi siya namukhaan ng mga ito. Naalala ni Jose ang panaginip niya tungkol sa kanila kaya sinabi niya, “Mga espiya kayo! Pumunta kayo rito upang tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.” Sumagot sila, “Hindi po, panginoon ko! Kami pong inyong lingkod ay naparito upang bumili lamang ng pagkain. Magkakapatid po kaming lahat sa isang ama, at nagsasabi po kami ng totoo. Hindi po kami espiya.” Ngunit sinabi ni Jose, “Hindi ako naniniwala! Pumunta kayo rito upang tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.” Sumagot sila, “Kaming inyong abang lingkod ay labindalawang magkakapatid, iisa lang po ang aming ama na naroon ngayon sa Canaan. Ang bunso po namin ay naiwan sa kanya. Ang isa po naming kapatid ay wala na.” Sinabi ni Jose, “Kagaya ng sinabi ko, mga espiya talaga kayo!

Genesis 42:1-14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang mabalitaan ni Jacob na maraming pagkain sa Egipto, sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Ano pang hinihintay ninyo? Pumunta kayo sa Egipto at bumili agad ng pagkain upang hindi tayo mamatay sa gutom. Balita ko'y maraming pagkain doon.” Pumunta nga sa Egipto ang sampung kapatid ni Jose upang bumili ng pagkain. Si Benjamin, ang tunay na kapatid ni Jose, ay hindi na pinasama ni Jacob sa takot na may masamang mangyari sa kanya. Kasama ng ibang taga-Canaan, lumakad ang mga anak ni Jacob upang bumili ng pagkain sapagkat laganap na ang taggutom sa buong Canaan. Bilang gobernador ng Egipto, si Jose ang nagbebenta ng pagkain sa mga tao, kaya't sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. Paglapit ng mga ito, sila'y yumukod sa kanyang harapan. Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong. “Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila. Nakilala nga ni Jose ang kanyang mga kapatid ngunit hindi siya namukhaan ng mga ito. Naalala niya ang kanyang mga panaginip tungkol sa kanila, kaya't sinabi niya, “Kayo'y mga espiya, at naparito kayo upang makita ang kahinaan ng aming bansa, hindi ba?” “Hindi po! Kami pong mga lingkod ninyo'y bumibili lamang ng pagkain. Magkakapatid po kami, at kami'y mga taong tapat. Hindi po kami mga espiya.” “Hindi ako naniniwala,” sabi ni Jose. “Naparito kayo upang alamin ang kahinaan ng aming bansa!” Kaya't nagmakaawa sila, “Ginoo, kami po'y labindalawang magkakapatid; nasa Canaan po ang aming ama. Pinaiwan po ang bunso naming kapatid; ang isa po nama'y patay na.” Sinabi ni Jose, “Tulad ng sinabi ko, kayo'y mga espiya!

Genesis 42:1-14 TLAB (Ang Biblia)

Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan? At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto: bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay. At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto. Datapuwa't si Benjamin na kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan. At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan. At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob. At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain. At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala. At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip, tungkol sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y mga tiktik; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. At kanilang sinabi sa kaniya, Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain. Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik. At kaniyang sinabi sa kanila, Hindi, kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. At kanilang sinabi, Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa'y wala na. At sinabi sa kanila ni Jose, Iyan ang sinasalita ko sa inyo, na aking sinasabi, Kayo'y mga tiktik

Genesis 42:1-14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))