Genesis 49:16-33 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Genesis 49:16-33 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Si Dan ay magiging isang pangunahin, katulad ng ibang pinuno ng Israel. Ahas na mabagsik sa tabi ng daan, na handang tumuklaw sa kabayong daraan; upang maihulog iyong taong sakay. “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay. “Haharangin si Gad ng mga tulisan, lalabanan niya at magtatakbuhan. “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihan ng mga pagkain ng taong marangal. “Si Neftali naman ay tulad ng usa, malaya't ang dalang balita'y maganda. “Si Jose nama'y baging na mabunga. Sa tabi ng bukal nakatanim siya, paakyat sa pader ang pagtubo niya. Mga mangangaso ang nagpapahirap, hinahabol siya ng palaso't sibat. Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas, ang iyong mga bisig ay palalakasin, ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob, pastol ng Israel, matibay na muog. Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo, ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo. Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan, malalim na tubig sa lupa'y bubukal; dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan. Darami ang ani, bulaklak gayon din, maalamat na bundok ay pagpapalain; pati mga burol magkakamit-aliw. Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid. “Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay, sumisila ito ng inaalmusal. Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.” Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila binasbasan ng kanilang ama ayon sa basbas na angkop sa kanila. Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo'y papanaw na ako upang makasama ng mga ninunong namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa bukid ni Efron na Heteo. Ang libingang iyo'y nasa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham, at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. Ang bukid at yungib na iyon ay binili nga sa mga Heteo.” Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay humimlay at namatay.
Genesis 49:16-33 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Si Dan ang magdadala ng katarungan sa kanyang bayan bilang isa sa mga angkan ni Israel. Siyaʼy magiging isang ahas sa tabi ng daan, isang mabagsik na ulupong na nasa daanan, na tumutuklaw sa paa ng kabayong dumaraan upang mahulog ang ditoʼy nakasakay. “O PANGINOON, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas. “Si Gad ay lulusubin ng grupo ng mga tulisan, ngunit gaganti siyaʼt lulusubin din sila. “Si Asher ay magiging sagana sa pagkain, at magbibigay ng mga pagkaing angkop sa hari. “Si Neftali ay tulad ng pinakawalang usa na manganganak ng mga supling na magaganda. “Si Jose ay tulad ng mabungang sanga, tulad ng mabungang baging sa tabi ng bukal na gumagapang paakyat sa pader. Kaiinisan siya ng mga mamamana. Sa kanilang galit siyaʼy papanain nila. Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana, nanatiling matibay ang kamay niya, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob, ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel. Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop. Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pa sa pagpapala ng mga bundok noong sinauna, o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na. Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Jose na siyang nakahihigit sa magkakapatid. “Si Benjamin ay tulad ng isang lobong gutom na gutom; sa umagaʼy nilalapa ang kanyang nahuli at sa gabi namaʼy ang mga nasamsam ay pinaghahatian.” Sila ang labindalawang anak ni Jacob na pinanggalingan ng mga lahi ng Israel. At iyon ang huling habilin ni Jacob sa bawat isa sa kanila. Biniyayaan niya ang bawat isa ng basbas na angkop sa kanila. Pagkatapos, binilinan ni Jacob ang mga anak niya. Sinabi niya, “Ngayon, sandali na lang at makakasama ko na sa kabilang buhay ang aking mga ninuno. Ilibing nʼyo ako sa libingan ng aking mga magulang, doon sa kuweba na nasa bukid ni Efron na Heteo. Ang kuwebang iyon ay nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre na sakop ng Canaan. Binili ng lolo kong si Abraham ang bukid na iyon kay Efron na Heteo upang gawing libingan. Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. Ang bukid at ang kuweba nito ay binili sa mga Heteo.” Pagkatapos magbilin ni Jacob sa kanyang mga anak, siya ay nahiga at nalagutan ng hininga. At isinama siya sa kanyang mga ninuno na sumakabilang buhay na.
Genesis 49:16-33 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Si Dan ay magiging isang pangunahin, katulad ng ibang pinuno ng Israel. Ahas na mabagsik sa tabi ng daan, na handang tumuklaw sa kabayong daraan; upang maihulog iyong taong sakay. “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay. “Haharangin si Gad ng mga tulisan, lalabanan niya at magtatakbuhan. “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihan ng mga pagkain ng taong marangal. “Si Neftali naman ay tulad ng usa, malaya't ang dalang balita'y maganda. “Si Jose nama'y baging na mabunga. Sa tabi ng bukal nakatanim siya, paakyat sa pader ang pagtubo niya. Mga mangangaso ang nagpapahirap, hinahabol siya ng palaso't sibat. Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas, ang iyong mga bisig ay palalakasin, ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob, pastol ng Israel, matibay na muog. Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo, ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo. Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan, malalim na tubig sa lupa'y bubukal; dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan. Darami ang ani, bulaklak gayon din, maalamat na bundok ay pagpapalain; pati mga burol magkakamit-aliw. Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid. “Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay, sumisila ito ng inaalmusal. Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.” Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila binasbasan ng kanilang ama ayon sa basbas na angkop sa kanila. Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo'y papanaw na ako upang makasama ng mga ninunong namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa bukid ni Efron na Heteo. Ang libingang iyo'y nasa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham, at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. Ang bukid at yungib na iyon ay binili nga sa mga Heteo.” Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay humimlay at namatay.
Genesis 49:16-33 TLAB (Ang Biblia)
Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan, Gaya ng isa sa angkan ni Israel. Si Dan ay magiging ahas sa daan, At ulupong sa landas, Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo, Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon. Aking hinintay ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon. Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong: Nguni't siya ang hahabol sa kanila. Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya, At gagawa ng masasarap na pagkain. Si Nephtali ay isang usang babaing kawala: Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita. Si Jose ay sangang mabunga, Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal; Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader. Pinamanglaw siya ng mga mamamana, At pinana siya, at inusig siya: Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan, At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay, Sa pamamagitan ng mga kamay ng Makapangyarihan ni Jacob, (Na siyang pinagmulan ng pastor, ang bato ng Israel), Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo, Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba, Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata. Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan: Mangapapasa ulo ni Jose, At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid. Si Benjamin ay isang lobo na mangaagaw: Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli, At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam. Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya, At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: Ako'y malalakip sa aking bayan: ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo, Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan: Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at doon ko inilibing si Lea: Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth. At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.
Genesis 49:16-33 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan, Gaya ng isa sa angkan ni Israel. Si Dan ay magiging ahas sa daan, At ulupong sa landas, Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo, Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon. Aking hinintay ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon. Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong: Nguni't siya ang hahabol sa kanila. Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya, At gagawa ng masasarap na pagkain. Si Nephtali ay isang usang babaing kawala: Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita. Si Jose ay sangang mabunga, Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal; Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader. Pinamanglaw siya ng mga mamamana, At pinana siya, at inusig siya: Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan, At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay, Sa pamamagitan ng mga kamay ng Makapangyarihan ni Jacob, (Na siyang pinagmulan ng pastor, ang bato ng Israel), Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo, Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba, Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata. Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan: Mangapapasa ulo ni Jose, At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid. Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw: Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli, At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam. Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya, At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: Ako'y malalakip sa aking bayan: ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo, Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan: Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at doon ko inilibing si Lea: Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth. At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.