Isaias 42:3-4
Isaias 42:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang marupok na tambo'y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin. Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”
Isaias 42:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi niya pababayaan ang mahihina ang pananampalataya at hindi niya tatalikuran ang mga nawalan ng pag-asa. Matapat niyang papairalin ang katarungan. Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”
Isaias 42:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang marupok na tambo'y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin. Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”
Isaias 42:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan. Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.
Isaias 42:3-4 Ang Biblia (TLAB)