Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Jeremias 14:18 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Jeremias 14:18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kapag lumabas ako sa kabukiran, nakikita ko ang mga nasawi sa digmaan; kapag ako'y pumunta sa mga bayan, naroon naman ang mga taong namamatay sa gutom. Patuloy sa kanilang gawain ang mga propeta at mga pari, subalit hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa.”

Jeremias 14:18 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kung pupunta ako sa mga bukid at lungsod, nakikita ko ang mga bangkay ng mga namatay sa digmaan at taggutom. Ang mga propeta at pari ay patuloy sa gawain nila ngunit hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.”

Jeremias 14:18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kapag lumabas ako sa kabukiran, nakikita ko ang mga nasawi sa digmaan; kapag ako'y pumunta sa mga bayan, naroon naman ang mga taong namamatay sa gutom. Patuloy sa kanilang gawain ang mga propeta at mga pari, subalit hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa.”

Jeremias 14:18 TLAB (Ang Biblia)

Kung ako'y lumabas sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

Jeremias 14:18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))