Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Juan 2:12-25 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Juan 2:12-25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Sila'y nanatili roon nang ilang araw. Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.” Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus. Nang Pista ng Paskwa ay nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga himalang ginagawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat alam niya ang kanilang mga iniisip. Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang kalooban ng lahat ng tao.

Juan 2:12-25 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Hesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Nanatili sila roon nang ilang araw. Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem. Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila. Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, “Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay.” Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?” Sinagot sila ni Hesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli.” Sinabi naman nila, “Ginawa ang Templong ito nang apatnapuʼt anim na taon at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang Templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan. Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga alagad niya ang sinabi niyang ito, at naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi niya. Habang nasa Jerusalem si Hesus noong Pista ng Paglampas ng Anghel, marami ang sumampalataya sa kanya dahil sa mga ginawa niyang kamangha-manghang tanda. Ngunit hindi nagtiwala si Hesus sa kanila, dahil kilala niya ang lahat ng tao. At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa tao, dahil alam niya ang nasa puso ng bawat isa.

Ibahagi
Juan 2 ASD

Juan 2:12-25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Sila'y nanatili roon nang ilang araw. Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.” Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus. Nang Pista ng Paskwa ay nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga himalang ginagawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat alam niya ang kanilang mga iniisip. Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang kalooban ng lahat ng tao.

Juan 2:12-25 TLAB (Ang Biblia)

Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw. At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si Jesus sa Jerusalem. At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal. Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay. Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito? Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw. Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw? Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan. Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus. Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita ng kaniyang mga tandang ginawa. Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao, Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga niya ang isinasaloob ng tao.

Juan 2:12-25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))