Job 1:20-22
Job 1:20-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit dahil sa pagdadalamhati. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa para sumamba sa PANGINOON. Sinabi niya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang PANGINOON ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang PANGINOON din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng PANGINOON!” Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nagkasala si Job. Hindi niya sinisi ang Dios.
Job 1:20-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon. Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.
Job 1:20-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!” Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi niya sinisi ang Diyos, kaya't hindi siya nagkasala laban sa kanya.
Job 1:20-22 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon. Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.
Job 1:20-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)