Job 5:1-7
Job 5:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sumigaw ka, Job, kung may sasagot sa iyo. Mayroon bang anghel na sa iyo'y sasaklolo? Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal. Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang. Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan, ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan. Walang matakbuhan ang kanilang mga anak, walang sinuman ang sa kanila'y magligtas. Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom, kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila. Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila. Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula, at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa. Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan.
Job 5:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Job, kahit humingi ka ng tulong, walang tutulong sa iyo. Kahit ang mga anghel ay hindi ka tutulungan. Ang sama ng loob ay pumapatay sa hangal, at ang paninibugho ay pumupuksa sa taong mangmang. Ayon sa aking nakita at nalaman, maaaring umunlad ang pamumuhay ng isang hangal, ngunit bigla na lang isusumpa ng Diyos ang sambahayan niya. Ang mga anak niyaʼy walang malalapitan at wala ring magtatanggol sa kanila sa hukuman. Ang ani niyaʼy kakainin ng iba. At kahit ang mga bungang nasa tinikan ay kukunin ng mga taong gutom. Ang kayamanan niyaʼy aagawin ng mga taong uhaw sa mga ari-arian. Ang kahirapan ay hindi galing sa alikabok at ang kaguluhan ay hindi umuusbong sa lupa. Ngunit likas sa tao ang ipanganak sa kaguluhan, tulad ng tilamsik ng apoy na pumapailanlang.
Job 5:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka? Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang. Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan. Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila. Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari. Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
Job 5:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sumigaw ka, Job, kung may sasagot sa iyo. Mayroon bang anghel na sa iyo'y sasaklolo? Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal. Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang. Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan, ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan. Walang matakbuhan ang kanilang mga anak, walang sinuman ang sa kanila'y magligtas. Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom, kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila. Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila. Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula, at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa. Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan.
Job 5:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka? Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang. Aking nakita ang hangal na umuunlad: Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan. Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, At sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, Na wala mang magligtas sa kanila. Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, At kinukuha na mula sa mga tinik, At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari. Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.