Joel 2:15-25 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Joel 2:15-25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion! Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat! Tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Mga pari, tumayo kayo sa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo, manangis kayo't manalangin nang ganito: “Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh! Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’” Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain, at naawa siya sa kanyang bayan. Ganito ang kanyang tugon: “Bibigyan ko kayo ngayon ng butil, alak at langis, upang kayo'y mabusog. Hindi na kayo hahamakin ng ibang bansa. Paaalisin ko na ang mga hukbong waring buhat sa hilaga; itataboy ko ang iba sa disyerto. At ang mga pangunahing hanay nila ay itataboy ko naman sa dagat sa silangan; sa dagat sa hilaga naman ang nasa hulihan. Aalingasaw ang baho ng kanilang mga bangkay. Lilipulin ko sila dahil sa lahat ng ginawa nila sa inyo.” “Lupain, huwag kayong matakot; kayo ay magsaya't lubos na magalak dahil sa lahat ng ginawa ni Yahweh para sa inyo.” Mga hayop, huwag kayong matakot, luntian na ang mga pastulan. Namumunga na ang mga punongkahoy, hitik na sa bunga ang igos at ang ubas. “Magalak kayo, mga taga-Zion! Matuwa kayo dahil sa ginawa ni Yahweh na inyong Diyos. Pinaulan niya nang sapat sa taglagas, at gayundin sa taglamig; tulad ng dati, uulan din sa tagsibol. Mapupuno ng ani ang mga giikan; aapaw ang alak at langis sa mga pisaan. Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga pananim. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo.
Joel 2:15-25 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ipaalam sa mga tao na magtipon sila at mag-ayuno. Gawin ninyo ang seremonya ng paglilinis at magtipon kayong lahat, bata at matanda, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Hayaan ang mga pari na naglilingkod sa harapan ng PANGINOON na umiyak sa pagitan ng altar at balkonahe ng templo. Manalangin sila ng ganito: “PANGINOON, mahabag po kayo sa inyong bayan. Huwag ninyong payagan na silaʼy hiyain at sakupin ng ibang bansa na nagsasabi, ‘Nasaan ang kanilang Diyos?’ ” PANGINOON Nagmamalasakit ang PANGINOON sa kanyang bayan at naaawa siya sa kanyang mga mamamayan. Sumagot ang PANGINOON sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng mga butil, bagong alak, at langis, at mabubusog kayo. Hindi ko papayagang hiyain kayo ng ibang bansa. “Palalayasin ko ang mga sasalakay sa inyo mula sa hilaga at itataboy ko sila sa disyerto. Itataboy ko ang unang pulutong nila sa Dagat na Patay at ang huling pulutong ay itataboy ko sa Dagat ng Mediteraneo. At aalingasaw ang kanilang mga bangkay.” Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng PANGINOON. Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng PANGINOON. Huwag matakot ang mga hayop, dahil luntian na ang mga pastulan at namumunga na ang mga punongkahoy, pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas. Magalak kayong mga taga-Zion, sa ginawa sa inyo ng PANGINOON na inyong Diyos. Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulan at nasundan pa ito gaya ng dati upang ipakita na matuwid siya. Mapupuno ng butil ang mga giikan, at aapaw ang bagong alak at langis sa mga pisaan nito. Sapagkat sinasabi ng PANGINOON, “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo noong mga panahong sinalakay ang inyong mga pananim ng sunod-sunod na pulutong ng mga balang na iyon. Ako ang nagpadala sa inyo ng napakalaking pulutong ng mga balang.
Joel 2:15-25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion! Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat! Tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Mga pari, tumayo kayo sa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo, manangis kayo't manalangin nang ganito: “Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh! Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’” Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain, at naawa siya sa kanyang bayan. Ganito ang kanyang tugon: “Bibigyan ko kayo ngayon ng butil, alak at langis, upang kayo'y mabusog. Hindi na kayo hahamakin ng ibang bansa. Paaalisin ko na ang mga hukbong waring buhat sa hilaga; itataboy ko ang iba sa disyerto. At ang mga pangunahing hanay nila ay itataboy ko naman sa dagat sa silangan; sa dagat sa hilaga naman ang nasa hulihan. Aalingasaw ang baho ng kanilang mga bangkay. Lilipulin ko sila dahil sa lahat ng ginawa nila sa inyo.” “Lupain, huwag kayong matakot; kayo ay magsaya't lubos na magalak dahil sa lahat ng ginawa ni Yahweh para sa inyo.” Mga hayop, huwag kayong matakot, luntian na ang mga pastulan. Namumunga na ang mga punongkahoy, hitik na sa bunga ang igos at ang ubas. “Magalak kayo, mga taga-Zion! Matuwa kayo dahil sa ginawa ni Yahweh na inyong Diyos. Pinaulan niya nang sapat sa taglagas, at gayundin sa taglamig; tulad ng dati, uulan din sa tagsibol. Mapupuno ng ani ang mga giikan; aapaw ang alak at langis sa mga pisaan. Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga pananim. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo.
Joel 2:15-25 TLAB (Ang Biblia)
Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan; Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid. Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios? Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan. At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa; Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay. Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay. Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga. Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan. At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis. At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.
Joel 2:15-25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))