Mga Awit 139:23-24
Mga Awit 139:23-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.
Mga Awit 139:23-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.
Mga Awit 139:23-24 Ang Biblia (TLAB)
Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Mga Awit 139:23-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.