Mga Awit 18:28-36 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Awit 18:28-36 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw; inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway, upang tanggulan nito ay aking maagaw. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma, upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana. Iniingatan mo ako at inililigtas; sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag, sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag. Inalalayan mo sa bawat paghakbang, ang mga paa ko'y ni hindi nadulas.
Mga Awit 18:28-36 ASD (Ang Salita ng Diyos)
PANGINOON kong Diyos, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan. Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo. Sapagkat kayo lang, PANGINOON, ang tunay na Diyos, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming Batong kanlungan. Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin. Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako. Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan, kaya hindi ako natitisod.
Mga Awit 18:28-36 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw; inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway, upang tanggulan nito ay aking maagaw. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma, upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana. Iniingatan mo ako at inililigtas; sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag, sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag. Inalalayan mo sa bawat paghakbang, ang mga paa ko'y ni hindi nadulas.
Mga Awit 18:28-36 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta. Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
Mga Awit 18:28-36 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; Liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; At sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta. Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, At nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: At inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, Na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: At inalalayan ako ng iyong kanan, At pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, At ang aking mga paa ay hindi nangadulas.