Mga Awit 35:17-28
Mga Awit 35:17-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong? Iligtas mo ako sa ganid na leon; sa paglusob nila't mga pagdaluhong. At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan. Huwag mong tutulutang ang mga kaaway, magtawanan sa aking mga kabiguan; gayon din ang may poot nang walang dahilan, magalak sa aking mga kalumbayan. Sila, kung magwika'y totoong mabagsik, kasinungalingan ang bigkas ng bibig, at ang ginigipit, taong matahimik. Ang paratang nila na isinisigaw: “Ang iyong ginawa ay aming namasdan!” Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid, kaya, Panginoon, huwag kang manahimik; ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis! Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol, iyong ipaglaban ako, Panginoon. O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala; huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan. Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan, at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!” Huwag mong itutulot na sabihin nilang: “Siya ay nagapi namin sa labanan!” Silang nagagalak sa paghihirap ko, lubos mong gapii't bayaang malito; silang nagpapanggap namang mas mabuti, hiyain mo sila't siraan ng puri. Ang nangagsasaya, sa aking paglaya bayaang palaging sumigaw sa tuwa; “Dakila si Yahweh, tunay na dakila; sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.” Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!
Mga Awit 35:17-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, hanggang kailan kayo manonood lang? Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain. At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan. Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaaway sa aking pagkatalo. Ang mga galit sa akin nang walang dahilan ay huwag nʼyong payagang kutyain ako. Walang maganda sa sinasabi nila, sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik. Sumisigaw sila sa akin na nagpaparatang, “Aha! Nakita namin ang ginawa mo!” PANGINOON, alam nʼyo ang lahat ng ito, kaya huwag kayong manahimik. Huwag kayong lumayo sa akin. Sige na po, Panginoon kong Dios, ipagtanggol nʼyo na ako sa kanila. O Dios ko, dahil kayo ay matuwid kung humatol, ipahayag nʼyo na wala akong kasalanan. Huwag nʼyong payagang pagtawanan nila ako. Huwag nʼyong hayaang sabihin nila sa kanilang sarili, “Sa wakas, nangyari rin ang gusto naming mangyari, natalo na rin namin siya!” Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akin at nagagalak sa aking mga paghihirap. Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan. Palagi sana nilang sabihin, “Purihin ang PANGINOON na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.” Ihahayag ko sa mga tao ang inyong pagkamakatwiran, at buong maghapon ko kayong papupurihan.
Mga Awit 35:17-28 Ang Biblia (TLAB)
Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan. Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain. Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata. Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin. Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko. Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin. Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya. Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin. Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod. At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
Mga Awit 35:17-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong? Iligtas mo ako sa ganid na leon; sa paglusob nila't mga pagdaluhong. At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan. Huwag mong tutulutang ang mga kaaway, magtawanan sa aking mga kabiguan; gayon din ang may poot nang walang dahilan, magalak sa aking mga kalumbayan. Sila, kung magwika'y totoong mabagsik, kasinungalingan ang bigkas ng bibig, at ang ginigipit, taong matahimik. Ang paratang nila na isinisigaw: “Ang iyong ginawa ay aming namasdan!” Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid, kaya, Panginoon, huwag kang manahimik; ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis! Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol, iyong ipaglaban ako, Panginoon. O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala; huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan. Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan, at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!” Huwag mong itutulot na sabihin nilang: “Siya ay nagapi namin sa labanan!” Silang nagagalak sa paghihirap ko, lubos mong gapii't bayaang malito; silang nagpapanggap namang mas mabuti, hiyain mo sila't siraan ng puri. Ang nangagsasaya, sa aking paglaya bayaang palaging sumigaw sa tuwa; “Dakila si Yahweh, tunay na dakila; sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.” Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!
Mga Awit 35:17-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, Ang aking sinta mula sa mga leon. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; Ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan. Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain. Oo, Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; Kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata. Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin. Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko. Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; At huwag mo silang pagalakin sa akin. Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: Huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya. Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin. Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod. At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.