Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 35:17-28

Mga Awit 35:17-28 MBB05

Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong? Iligtas mo ako sa ganid na leon; sa paglusob nila't mga pagdaluhong. At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan. Huwag mong tutulutang ang mga kaaway, magtawanan sa aking mga kabiguan; gayon din ang may poot nang walang dahilan, magalak sa aking mga kalumbayan. Sila, kung magwika'y totoong mabagsik, kasinungalingan ang bigkas ng bibig, at ang ginigipit, taong matahimik. Ang paratang nila na isinisigaw: “Ang iyong ginawa ay aming namasdan!” Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid, kaya, Panginoon, huwag kang manahimik; ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis! Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol, iyong ipaglaban ako, Panginoon. O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala; huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan. Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan, at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!” Huwag mong itutulot na sabihin nilang: “Siya ay nagapi namin sa labanan!” Silang nagagalak sa paghihirap ko, lubos mong gapii't bayaang malito; silang nagpapanggap namang mas mabuti, hiyain mo sila't siraan ng puri. Ang nangagsasaya, sa aking paglaya bayaang palaging sumigaw sa tuwa; “Dakila si Yahweh, tunay na dakila; sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.” Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 35:17-28