Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 35:17-28

MGA AWIT 35:17-28 ABTAG01

Hanggang kailan ka titingin, O Panginoon? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagpinsala, ang aking buhay mula sa mga leon! At ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapulungan; sa gitna ng napakaraming tao kita'y papupurihan. Huwag nawang magalak sa akin yaong sinungaling kong mga kaaway; at huwag nawang ikindat ang mata ng mga napopoot sa akin nang walang kadahilanan. Sapagkat sila'y hindi nagsasalita ng kapayapaan, kundi laban doon sa mga tahimik sa lupain ay kumakatha sila ng mga salita ng kabulaanan. Kanilang ibinubuka nang maluwang ang bibig nila laban sa akin; kanilang sinasabi: “Aha, aha, nakita iyon ng mga mata namin!” Iyong nakita ito, O PANGINOON; huwag kang tumahimik, O Panginoon, huwag kang lumayo sa akin! Kumilos ka, at gumising ka para sa aking karapatan, Diyos ko at Panginoon ko, para sa aking ipinaglalaban! Ipagtanggol mo ako, O PANGINOON, aking Diyos, ayon sa iyong katuwiran; at dahil sa akin huwag mo silang hayaang magkatuwaan! Huwag mo silang hayaang magsabi sa sarili nila, “Aha, iyan ang aming kagustuhan!” Huwag silang hayaang magsabi, “Aming nalulon na siya.” Mapahiya nawa sila at malitong magkakasama silang nagagalak sa aking kapahamakan! Madamitan nawa sila ng kahihiyan at kawalang-dangal silang laban sa akin ay nagyayabang! Silang nagnanais na ako'y mapawalang-sala ay sumigaw sa kagalakan at magsaya, at sa tuwina'y sabihin, “Dakila ang PANGINOON, na nalulugod sa kapakanan ng kanyang lingkod!” Kung gayo'y isasaysay ng aking dila ang iyong katuwiran at ang iyong kapurihan sa buong araw.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 35:17-28