Mga Awit 40:1-2
Mga Awit 40:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko.
Mga Awit 40:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.
Mga Awit 40:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko.
Mga Awit 40:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy matiyagang naghintay sa PANGINOON, at dininig niya ang aking mga daing. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.
Mga Awit 40:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.