Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40

40
Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 # Awit 27:14. Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
2Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, #Awit 69:2, 14. mula sa balahong malagkit;
# Awit 27:5. At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at #Awit 37:23. itinatag ang aking mga paglakad.
3 # Awit 33:3. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
4 # Awit 34:8. Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
5 # Ex. 15:11; Job 5:9. Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
# Is. 55:8. At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
6 # 1 Sam. 15:22; Awit 51:16; Is. 66:3; Os. 6:6; Mat. 12:7; Heb. 10:5-7. Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
# Jer. 36:2. Sa balumbon ng aklat ay #Luc. 24:44. nakasulat tungkol sa akin:
8 # Juan 4:34. Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay #Awit 37:31. nasa loob ng aking puso.
9Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran #Awit 22:25. sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang #Awit 61:7. iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay #2 Sam. 22:6. umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y #Awit 69:4. higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13Kalugdan#40:13 Awit 70:1-5. mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay #Awit 38:22. magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 # Awit 35:4. Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, #Awit 35:21. Aha.
16Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay #Awit 35:27. mangagsabi nawang palagi,
# Awit 34:3. Ang Panginoon ay dakilain.
17 # Awit 86:1. Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako #Awit 37:5; 1 Ped. 5:7. ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 40: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in