MGA AWIT 41
41
Ang mangaawit ay may sakit. May mga kaaway at bulaang kaibigan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 #
Mat. 5:7. Mapalad siya na #Kaw. 14:21. nagpapakundangan sa dukha:
#
Gawa 12:11. Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
2Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon,
At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa;
#
Awit 27:12. At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
3Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina:
Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
4Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin:
#
2 Cron. 30:20; Awit 6:2. Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
5Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi,
Kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
6At kung siya'y pumaritong tingnang ako #Awit 12:2. siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan;
Ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili;
Pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
7Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin:
Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
8Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya;
At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
9 #
2 Sam. 15:12; Juan 13:18; Gawa 1:16. Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan,
Na kumain ng aking tinapay,
Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako,
Upang aking magantihan sila.
11Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin,
Sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako #Awit 63:8. sa aking pagtatapat,
At #Job 36:8. inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 #
Awit 106:48; Luc. 1:68. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan.
#
Awit 72:19. Siya nawa, at Siya nawa.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 41: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982