Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 42

42
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
1Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig #1 Cron. 6:33, 37. ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 # Awit 63:1; 84:2. Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, #1 Tes. 1:9. ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, #Awit 84:7. at haharap sa Dios?
3Ang aking mga luha ay #Awit 80:5. naging aking pagkain araw at gabi,
# Awit 77:10. Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at #Job 30:16; 1 Sam. 1:15; Awit 62:8. nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
# Is. 30:29. Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, #Awit 120-134 mga titik. at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 # Awit 43:5. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka #2 Sam. 17:22, 24. mula sa lupain ng Jordan,
At ng #Deut. 3:9. Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 # Jer. 4:20; Ezek. 7:26. Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
# Awit 88:7; Jon. 2:3. Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y #Awit 133:3. uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At #Job 35:10; Awit 32:7. sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9Aking sasabihin sa Dios na aking #2 Sam. 22:2. malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
# Joel 2:17; Mik. 7:10. Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 # Awit 43:5. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 42: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in