Mga Awit 42:1-2
Mga Awit 42:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios. Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buháy na Dios: Kailan ako paririto, at haharap sa Dios?
Ibahagi
Basahin Mga Awit 42Mga Awit 42:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa; gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba; kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?
Ibahagi
Basahin Mga Awit 42Mga Awit 42:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik. Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
Ibahagi
Basahin Mga Awit 42