Mga Taga-Roma 10:11-13
Mga Taga-Roma 10:11-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” At ang pangakong itoʼy para sa lahat dahil walang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
Mga Taga-Roma 10:11-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
Mga Taga-Roma 10:11-13 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya. Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag: Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
Mga Taga-Roma 10:11-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
Mga Taga-Roma 10:11-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)