Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 12:9-12 - Compare All Versions

Mga Taga-Roma 12:9-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Mga Taga-Roma 12:9-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Mga Taga-Roma 12:9-12 TLAB (Ang Biblia)

Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti. Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin

Mga Taga-Roma 12:9-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Mga Taga-Roma 12:9-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))