Mga Taga-Roma 12:9-12
Mga Taga-Roma 12:9-12 ASD
Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.



