Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 12:9-12

MGA TAGA ROMA 12:9-12 ABTAG01

Ang pag-ibig ay maging walang pagkukunwari. Kapootan ninyo ang masama; panghawakan ang mabuti. Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo, huwag maging tamad sa pagsisikap, maging maalab sa espiritu, na naglilingkod sa Panginoon. Magalak kayo sa pag-asa, maging matiisin sa kapighatian, matiyaga sa pananalangin.