Ang Awit ni Solomon 3:1
Ang Awit ni Solomon 3:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa gabi, habang akoʼy nakahiga, nananabik ako sa aking minamahal. Hinahanap-hanap ko siya, subalit hindi makita.
Ang Awit ni Solomon 3:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gabi-gabi, sa higaan ang mahal ko'y hinahanap, ngunit hindi masumpungan kahit na sa pangarap.
Ang Awit ni Solomon 3:1 Ang Biblia (TLAB)
Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.