Pang-aabusoHalimbawa
Ang pang-aabuso ay maaring mangyari sa iba't ibang anyo. Pisikal, emosyonal, at sekswal ang kalimitang ekspresyon ng pang-aabuso at maraming tao ang kulang sa kakayahan na kontrolin ang mga ito. Kung ikaw ay nang-aabuso, magtigil ka na. Kung ikaw naman ay biktima ng pang-aabuso, hayaan mong ang mga salita ng Bibliya ang gumabay sa iyo kung paano mo isasaayos ang iyong kaugnayan sa umaabuso sa iyo. Kung ikaw ay nasa piligro, kailangan mong lumayo kaagad. Kung ang pang-aabuso sa iyo ay wala namang pangamba sa iyong buhay ngunit patuloy ka pa rin na binabagabag, makabubuting maglaan ka ng panahon na pagmunihan ang Salita ng Diyos tungkol sa bagay na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Walang sinuman ang narararapat na makaranas ng pang-aabuso. Mahal ka ng Diyos at kanyang ninanais na madama mong ika'y natatangi at kinakalinga. Walang anumang pagkakamali, pagkukulang, di pagkakaunawaan ang dapat na humantong sa pang-aabusong pisikal, sekswal, o emosyonal. Ang pitong araw na planong ito ay makatutulong upang pagtibayin ang iyong pang-unawa sa naisin ng Diyos na katarungan, pagmamahal, at kaginhawaan para sa bawat tao.
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church