Galit at PagkamuhiHalimbawa
Hindi lahat ng galit ay kasalanan. Sa katunayan, ikaw ay may karapatang magalit tungkol sa kung ano ang nagpapagalit sa Diyos. Ito ay tinatawag na makatuwirang galit. Mayroon kang karapatan magalit ng makatuwiran hanggang sa paglubog ng araw. Kinakailangan mong hanapin ang sanhi ng iyong galit. Sarilinin mo man ito sa iyong puso o magpadala ka sa sobrang galit, ang anumang paraan ay mapanganib. Marahil ay alam mo na ito, ngunit ang walang patnubay na galit ay walang hatid na kabutihan sa iyo o sa mga tao sa iyong paligid. Oras na upang hayaan ang Diyos palitan ang iyong galit ng pag-ibig.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang galit ay isang isyu na hinaharap ng lahat ng mga tao sa isang punto ng kanilang buhay. Ang pitong-araw na planong ito ay magbibigay sa iyo ng isang biblikal na pananaw, sa pamamagitan ng isang maikling sipi upang basahin sa bawat araw. Basahin ang sipi, maglaan ng oras upang suriin ng buong katapatan ang iyong sarili, at hayaan ang Diyos na mangusap tungkol sa iyong sitwasyon.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv