Sex Halimbawa
Ang pornograpiya at ang nakatutuksong mundo ay abot kamay ng bawat isa. Lipas na ang panahon na kinakailangan pang magpakahirap upang magkaroon ng mga magasin, larawan at iba pang babasahin ukol sa pornograpiya. Ngayon, ito ay isang click na lamang ng computer mouse o TV remote control. Lubhang napakadali na malulong sa mga gawaing nagdadala sa atin upang matukso at magkasala. May sinasabi ba ang Bibliya tungkol dito? Ano ang saloobin ng Diyos tungkol sa paraan kung paano tayo dapat mamuhay? Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa masturbation, subalit marami itong malinaw na turo tungkol sa pamumuhay ng banal at kaaya-aya sa Diyos. Kung nais mong tumanggap ng tulong tungkol sa bagay na ito, pinakamabuting magsabi sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan tungkol sa iyong pinagdadaanan. Ito ay simple, subalit makapangyarihan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mundo natin ngayon ay puno ng mensahe tungkol sa sex. Napakadali na lamang malaglag sa tukso ng masturbation, kahalayan at sexual impurity. Nais ng Diyos na tayo ay magkaroon ng malinis na pamumuhay, na umasa sa Banal na Ispirito at magkaroon ng disiplina sa sarili. Ang pitong-araw na planong ito ay maaaring makatulong sa iyo sa pagnanais mong mamuhay ng tama sa paningin ng Diyos. Sumangguni sa isang pinagkakatiwalaan at basahin ang mga talata ng Bibliya. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng pananagutan tungkol sa usaping sekswal.
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church