Pag-aalala Halimbawa
Papano kung? Papano kung? Minsan mo na bang hinarap ang katanungang ito? Ang pag-iistima sa mga isipin kung anong mga maaaring mangyari sa iyong buhay ay ang unang hakbang upang pangunahan ka ng pag-aalala. Ang pagkabalisa ay ang pag ako ng responsibilidad sa mga bagay na hindi naman inilaan sa iyo para harapin. Ang pag-aalala ay kakulangan ng pagtitiwala sa Maykapal na may gawa ng sansinukob. Ang pag-aalala ay nagsasabi sa iyo na kaya mong harapin ang maraming bagay na madalas ay hindi mo naman talaga kaya. Nag aalala ka ba na masyado kang maaalalahanin? Hindi mo tinatalo ang pag-aalala sa pamamagitan ng pag-aalala dito. Matatalo mo ito sa pagdala ng iyong mga alalahanin sa Isang tao na may magagawa sa iyong sitwasyon. Hindi ito nangangahulugan na wala ka ng responsibilidad sa mga bagay na dapat mong harapin; ang ibig sabihin lang nito ay alam mo kung kailan ka titigil at kung kailan magsisimula ang Diyos. Nag-aalala ka ba na hindi mo masyadong alam ang tungkol dito? Tingnan mo kung anong sinasabi ng Bibliya!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ating mga buhay ay madaling mapuspos ng pag-aalala at pagkatakot sa hindi natin nalalaman. Ngunit ang Diyos ay binigyan tayo ng Ispiritu ng katapangan, hindi ng pagkatakot o pagkabalisa. Itong pitong araw na debosyonal na babasahin ay makakatulong sa yo na tumungo sa Diyos sa bawat sitwasyon. Ang tunay na katapusan ng pag-aalala ay ang pagtiwala sa Diyos.
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church