Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kuwento ng Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Story of Easter

ARAW 7 NG 7

LINGGO

Sa dakilang araw na ito, pagninilayan natin ang krus, ang walang laman na libingan, at lahat ng ipinagkaloob nito sa atin. Ngunit pagnilayan din natin ang malaking gawaing itinatalaga sa atin ngayon na "kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao..." Ang dalisay na Ebanghelyo na ipinasa ni Cristo sa Kanyang mga alagad ay ang pagbabahagi ng kagandahang-loob ng Diyos, hindi lamang pagtanggap nito. Iniwan ni Jesus ang Kanyang mga alagad nang may kakayanang gumawa rin ng mga alagad, magbunga. Masasabing ito nga ay nangyari sapagkat ang mga taong kanilang ginawang mga alagad ay gumawa rin ng mga alagad. At ito ay patuloy sa loob ng dalawang libong taon. Ngunit maaaring sa bawat henerasyon, at tiyak nang sa atin, minsan ang Ebanghelyong ating naipapasa ay nalulusaw sa pagiging mahina. Sa halip na tunay na mamunga, nagtatanim tayo ng mga ubas na walang binhi. Sa ating pagsamba at pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito para sa kagandahang-loob na ating natanggap, idalangin na maging mas buhay sa ating puso ang hamon ng pagbabahagi ng kagandahang-loob na iyon at isabuhay ang Dakilang Pagsugo.

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Story of Easter

Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa gabay na ito. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Life.Church, mangyaring bumisita sa: www.Life.Church