Pagdanas ng Panunumbalik sa DiyosHalimbawa
Ang 1 Mga Taga-Corinto 6:19–20 ay magiliw na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagbabago hindi lamang ng nasa loob, kundi ng nasa labas din. Pag-isipan mo ito nang sandali. Ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo at dapat na tratuhin nang nararapat. Pahihintulutan mo bang ang gusali ng inyong simbahan ay dumumi at masira? Tiyak na hindi! Kung kinakailangan ng pagsasaayos ang inyong simbahan, kukumpunihin mo ito upang ito'y maging maningning na simbolo ng pagmamahal ni Kristo sa inyong komunidad. Kung gayon, hindi ba nararapat na tratuhin natin ang ating mga katawan sa parehong pamamaraan at patuloy natin itong isaayos upang maisakatuparan ang hangarin ng Diyos para sa ating mga buhay? Paano mo kinakailangang baguhin ang iyong katawan? Maaaring iba-iba ang kahulugan ng pagbabago sa bawat tao. Para sa ilan, ito ay maaring karagdagang pag-e-ehersisyo o mas nakakalusog na pagkain. Ito ay maaaring pangangailangan din sa pisikal na paghilom. Para sa iba, ito ay maaring pagpapahintulot sa Diyos na panumbalikin ka mula sa nagawang kasalanang seksuwal. Alamin mo kung saan mo kinakailangan ang pagbabago para sa iyong katawan at pahintulutan mo ang Diyos na magdulot ng kaayusan sa iyong buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagiging bagong nilikha kay Kristo ay nangangahulugan na tayo at patuloy na nababago sa pamamagitan Niya. Binabago ng Diyos ang ating mga puso, isipan, at katawan. Maging ang ating hangarin ay Kanyang binabago. Sa loob ng 5-araw na gabay na ito, mas mauunawaan mo ang isinasaad ng Salita ng Diyos tungkol sa pagbabago. Bawat araw, makatatanggap ka ng babasahin sa Bibliya at maikling gabay na makatutulong sa pagninilay sa iba't ibang paraan na nararanasan natin ang pagbabagong mula sa Diyos.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv