Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Halimbawa

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

ARAW 2 NG 6

"Nilikha Ka ng Diyos na Nasa Isipan Niya ang Walang-Hanggan"


Noong tayo ay nilikha ng Diyos, higit pa sa 70 o 80 taon ang plano Niya para sa ating buhay. May tiyak na layunin Siya para sa bawat buhay natin. Ang Kanyang plano ay sumasaklaw sa ating buhay dito sa mundo, at maging sa ating makalangit (o walang-hanggang) buhay. Inilalarawan ng Santiago 4:14 ang pagkakaiba ng dalawang aspetong ito ng ating buhay. Sinasabi nito, 


"Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala." Santiago 4:14


Narinig na ninyo ang kasabihang, "Ang buhay ay napakaikli." Sa pagkaunawa ng kawalang-hanggan, tama nga! Sinasabi ng Biblia na,


"...Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom." Mga Hebreo 9:27


Lahat tayo ay sakop ng pisikal na kamatayan. Ngunit ang pisikal na kamatayan ay ang katapusan lamang ng ating pisikal na katawan, hindi ang ating kaluluwa. Ang ating kaluluwa, o ang kamalayang umiiral sa ating kaloob-looban, ay walang hanggan. Gugugulin ng ating kaluluwa ang kawalang-hanggan sa isa sa dalawang lugar pagkatapos ng ating pisikal na kamatayan: sa Langit o sa Impiyerno.


Ang Langit ay isang walang-hanggang paraiso kung saan naroroon ang Diyos. 

Ang Impiyerno ay isang ganap na pagkakahiwalay sa Diyos.


Ang ating likas na kapanganakan dito sa mundo ay hindi lang ang simula ng ating panandalian at pisikal na buhay, kundi maging ng ating espirituwal na buhay dito at hanggang sa walang-hanggan. Kaya sa pagkaunawa ng kawalang-hanggan, maaaring tingnan ng iba na ang ating buhay dito sa mundo ay hindi mahalaga, ngunit ito ay hindi totoo. Ang iyong walang-hanggang tadhana ay naitatalaga ng mga desisyong ginagawa mo habang narito ka sa mundo; at ang pinakamahalaga, ay ang desisyon mo upang gawing Panginoon ng iyong buhay si Jesu-Cristo. Ang kaligtasan ay naririyan para sa ating lahat sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at sa pamamagitan lamang Niya maaari nating baguhin ang ating tadhana mula sa paggugol ng kawalang-hanggan na hiwalay sa Diyos, patungo sa paggugol ng kawalang-hanggan kasama ang Diyos sa Langit. Sinabi ni Jesus:


"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko." Juan 14:6 



Ang mga desisyong ginagawa natin sa buhay natin dito sa mundo ay mahalaga dahil na rin sa iba pang kadahilanan. Ang paraan kung paano tayo nabubuhay bilang mga mananampalataya ay maaaring magkaroon ng epekto sa pangkawalang-hanggang tadhana ng ibang taong hindi pa nakikilala si Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas. Araw-araw, ang mga taong nakapaligid ay nagmamatyag sa ating halimbawa ng pamumuhay para kay Cristo. Bilang mga Cristiano, ginagamit ng Diyos ang bawat isa sa atin upang dalhin ang langit sa mga taong nakapaligid sa atin na hindi pa Siya nakikilala. Sinabi ni Jesus:


“Kayo ang ilaw ng sanlibutan...dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.” Mateo 5:14-16

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More

Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdevtmp/#googtrans(tl)