Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapangyarihan Ng PanalanginHalimbawa

 Kapangyarihan Ng Panalangin

ARAW 1 NG 5

Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga anak upang sagutin ang ating mga panalangin


Sa isang eksibisyon  sa Chicago ilang taon na ang nakalilipas, sumali si G. Dwight Moody sa isang kampanya na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar. Ang isang maliit na pangkat ay nagtipon upang matulungan si G. Moody sa gawain. Nanalangin sila at gumawa din ng mga plano para sa kanya.

Habang kumakain sila, sinabi ni G. Moody, "Sa araw na ito kailangan natin ng $7,000 para sa gawaing ito. Nakatanggap ako ng $ 1,000, kaya mayroon pa ring kakulangang $6,000. 

Bago kumain, iminumungkahi kong manalangin at humiling sa Diyos na tulungan tayong mapunuan ang kakulangan ng pondong ito”. Kaya gaya ng isang paslit na nananalig, ibinigay ni G. Moody ang problemang ito sa  ating Ama sa langit. 

Isang oras matapos silang kumain ng tanghalian at matapos din ang kanilang mga plano para sa araw na iyon, may dumating na isang bata na may dalang telegrama at iniabot  ito kay Reuben Torrey upang basahin nang malakas.  

Ito ang nilalaman ng liham, "G. Moody, naramdaman ng iyong kaibigan sa North Field na nangangailangan ka ng pera sa Chicago. 

Kami ay nakakolekta ng mga kaloob na nagkakahalaga ng $6,000.” 

Ang lugar ng North Field ay matatagpuan libu-libong milya ang layo mula sa Chicago. Nang umagang iyon na halos matatapos na ang kanilang pananambahan sa North Field ay may isang taong nagmungkahi na mangolekta ng mga handog para sa gawain ni G. Moody sa Chicago. 

Buhay ang Panginoon! Alam ng lahat ng mga mananampalataya na nabubuhay sila sa pamamagitan ng kanilang malapit na kaugnayan sa Diyos. 

Debosyon  

Sa ating pananalangin, naniniwala tayo na sinasagot  ng Diyos ang lahat ng ating mga dalangin  at 

Karaniwan ay sa Kanyang kapamaraanan at madalas ay hindi natin ito kayang arukin ng ating kaisipan. 

Makakaasa tayo na pwede nating isuko ang lahat sa Diyos sa pamamagitan ng isang panalangin..

Ang mga panalangin na naririnig sa langit ay karaniwang nakaugnay sa laki ng ating pananampalataya (C. H. Spurgeon)


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

 Kapangyarihan Ng Panalangin

Ang debosyong ito ay magpapahayag sa atin ng kapangyarihan ng panalangin, na ang Diyos ay pwede nating makausap at tumutugon sa mga nananamplataya sa Kanya.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg

Mga Kaugnay na Gabay