Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)Halimbawa

Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)

ARAW 4 NG 5

Do Your Friends See Freedom In You?

Isa sa mga mainit na usapin sa generation natin ngayon ay ang freedom of choice. Mapa public demonstration, social media, o Netflix documentaries, lahat ng tao ay nag-tatake ng stand sa mga pinaniniwalaan nila at nirereject ang mga traditional beliefs. Bilang Kristiyano, challenging para sa atin kung paano ba tayo makiki-participate sa mga ganitong usapin. May mga movements na ka-supo-suporta, pero may mga in the gray areas that leaves the majority of Christians confused and silent.

Dahil nga ang emosyon at identity ng mga tao ay grounded sa mga usaping freedom of choice, kailangan ng pag-iingat rin sa ating pag-respond. Kapag umiiwas tayo sa mga hostile arguments na maaring mag-lead sa pagka-sira ng mga relationships natin, and live and love in a way na nag-papakita ng freedom na mayroon ka kay Jesus, ‘yung mga taong nag-hahanap din ng totoong kalayaan ay ma-cucurious. At mag-lelead ito sa iyo ng mga opportunity para mai-share ang rason sa hope at peace na mayroon ka.

In Jesus you are free. Hindi ka na alipin ng kasalanan, takot, at mundo. Your identity is unshakeable in Him. May kapayapaan ka, kagalakan, at pag-asa. Kung hindi freedom iyon, ano pa kaya?! From outside, religion can look like a lifestyle bound by rules. Pero kapag may relationship ka with Jesus, maiintindihan mon a hindi ganoon ang kaso. Jesus is the freedom na hinahanap ng generation na ‘to.

Ikaw, you have been revived for a reason! You have been revived para mamuhay in a way na mag-iimbita sa iba na malaman kung ano bai tong freedom na nahanap mo through Jesus. Ang challenge sa’yo ngayon is; how are you living out this truth? Kapag ba nakikita ng mga kaibigan mo ang buhay mo, nakikita ba nila ang freedom? Naiintriga ba sila sa source ng freedom na mayroon ka? Kung hindi, ano pa ang kailangan mabaho sa character mo?

I-ask mo ang Holy Spirit na i-remind ka ng true joy of salvation mo, dahil if you believe in your heart that you’re free, you can live like you’re free too. It is through your freedom that Jesus can bring light and love to others who are still searching.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)

Ang Gospel isang message of freedom. Hindi ‘to bago sa atin dahil through the Gospel tayo’y naging malaya. Dahil dito naranasan natin ang joy of liberation. Dati tayong patay sa ating kasalanan at ngayo’y nabigyang buhay! Itong kalayaang ito ay ibinigay satin upang maibahagi rin sa iba at malaman nila na pwede rin silang maging malaya. Tara samahan niyo kami sa limang araw na pagtatalakay kung paano maging freedom fighter!

More

Nais naming pasalamatan yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/