Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gawing Una ang Diyos Halimbawa

Gawing Una ang Diyos

ARAW 3 NG 5

"Nais ng Diyos na Una Siya sa Iyong Puso”

Sa lipunan ngayon, marami ang nagbabatay ng kanilang halaga sa kayamanan, kung gaano sila kataas sa "antas ng korporasyon," kung gaano katagumpay ang kanilang negosyo, o kung sino ang kakilala nila. 

Ngunit kung nakabatay ang ating pananaw sa kahalagahan sa mga bagay na ito, maganda lamang ang pagtingin natin sa ating sarili kapag maunlad tayo sa mga larangang ito. Kapag nababawasan ang ating kayamanan at tagumpay, nababawasan rin ang halaga ng ating sarili dahil hindi matatag ang ating pundasyon. Inilarawan ito ni Jesus sa ganitong paraan:  

“Ngunit ang nakikinig naman ng aking mga salita at hindi tumutupad nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang bumaha at bumugso ang tubig sa bahay na iyon, kaagad itong bumagsak at lubusang nawasak.” Lucas 6:49

Ang ating pagkakakilanlan ay kasing-tatag lamang ng pundasyong pinaglagyan natin. Sa pagtatag ng ating pagkakakilanlan sa matibay na pundasyon ni Jesu-Cristo, ang katuparan ng buhay ay hindi nakasalalay sa nagbabagong kalagayan ng mga pansamantalang bagay. 

Kapag si Cristo ang ating pundasyon, ang ating katatagan ay katulad nito: 

“Siya ay katulad ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at bumugso ang tubig, hindi natinag ang bahay na itinayo, sapagkat matibay ang pagkakatayo nito.” Lucas 6:48

Isipin sandali ang maraming mga pagpipilian sa buhay na maaaring naging pundasyon na pinagtatagan mo ng iyong kabuluhan.  Maaaring kabilangan ito ng kayamanan, karera, hitsura, pamilya, katanyagan, kapangyarihan o kung sino ang kilala mo.  Mayroon pa bang iba na maisip mo? Sa lahat ng mga bagay na pagtatatagan natin ng ating pagkakakilanlan, si Jesus lamang ang tunay na nagbibigay sa atin ng matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano. 

Ngunit kung susuriin mo yung ibang mga pagpipilian, wala namang masama o likas na buktot. Sa katunayan, sa maraming aspeto, ang mga ito ay napakahalagang mga larangan ng responsibilidad na ibinigay sa atin ng Diyos sa ating buhay. Ngunit sa aklat ng Mateo ay tinutulungan tayo ni Jesus na mabalanse ito. 

“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?  Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?” Mateo 6:25-26

Kapag naisabuhay natin ang katotohanan na ito sa ating sariling buhay, matatagpuan natin ang kapayapaan at katuparan, malaya mula sa pag-aalala at pagkabalisa. Nakakamit ang balanseng ito kung inuuna natin si Jesus sa lahat ng aspeto ng ating buhay. 

“Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.” Mateo 6:33

Lahat tayo ay may mga pangarap, layunin at hangarin sapagkat dinisenyo tayo ng Diyos na ganito. Ngunit ang pag-una kay Jesus ay dapat na mag-udyok sa iyo na suriin ang iyong mga priyoridad at motibo kung bakit mo ninanais na gawin o kamtin ang mga bagay na pinapangarap mo. Kapag Siya ang una sa iyong mga pangarap at hangarin, ang iyong hinaharap ay mapupuno ng kadakilaan at kagalakan!

Kapag ipinapakita ng Diyos sa iyo ang iyong hindi magandang motibo, ang pinakamahalagang tugon mo dapat ay ang kahandaang gumawa ng mga pagbabago. Maaaring mahirap minsan ang pagbabago, ngunit laging nasa isip ng Diyos ang pinakamahusay para sa atin, at nais Niyang lumago ka sa espirituwal.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Gawing Una ang Diyos

Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.

More

Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3

Mga Kaugnay na Gabay