Pagiging MagulangHalimbawa
Huwag siyang tawaging "halimaw"
Si Dr. James Dobson, isang dalubhasa sa paglilinang ng bata, ay nagsabi na ang mga bata ay permanenteng napipinsala ng mga puna ng tao sa kanilang hitsura. Kahit na sa edad na 3 o 4 na taon, nasasabi na ng isang bata kung sila ay maganda o pangit. Ang isa sa mga pasyente ni Dr. Dobson ay isang 36-taong-gulang na lalaki na nagsabi sa kanya, "5 taong gulang pa lamang ako nang mapagtanto kong ako ay pangit, at hindi na ako magiging katulad ng dati."
Nakalulungkot, maraming tao ang tinatrato ang mga bata na para bang mga kalahok sa isang pageant sa kagandahan. Nagbibigay sila ng pagtanggap at papuri sa magagandang bata at iniinsulto o binabalewala naman ang mga bata na mataba, payat, o mga katulad nito.
Ang resulta nito ay ang pag-aalinlangan sa sarili sa buong buhay nila at maramdaman ang kawalan ng halaga. Ang mga salitang tulad ng "daga" o "pangit" ay maaaring makapinsala sa kanilang buhay.
Sa halip na papurihan ang kagandahan, katalinuhan, o mga bagay na nagawa ng mga bata, hinihimok ng mga dalubhasa ang mga nakakatanda na turuan ang mga bata na pagtuunan ang mga mabuting pag-uugali tulad ng sipag, pasensya, at katapatan.
"Mahirap labanan ang kasalukuyang pinapahalagahan ng lipunan," sabi ni Dr. Dobson, "Ngunit kahit papaano ang pagtuturo sa isang bata tungkol sa mga kahalagahang espiritwal ay isang magandang paraan ng pagsisimula."
Kapag pinagsama ang pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal,
maaari mong palakihin ang mga positibong bata sa isang negatibong mundo.
(Zig Ziglar)
Deuteronomio 12:28
Sundin ninyong mabuti ang mga tagubilin ko sa inyo at magiging maganda ang buhay ninyo at ng inyong mga anak sa habang panahon, sapagkat ang pagsunod na ito'y tama at katanggap-tanggap kay Yahweh na inyong Diyos.
Pagninilay:
Bawat salita mo ay may kapangyarihan. Ang kapangyarihang maaaring sumira o bumuo ng buhay ng isang tao. Anong uri ng kapangyarihan ng pagsasalita ang nais mong magkaroon? Mag-ingat sa sasabihin, sapagkat maaari nitong mabago ang buhay ng isang tao para sa ikabubuti o ikasasama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buhay ng isang pamilya, ang mga bata ay regalo mula sa Diyos. Ang mga ama at ina ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng mga espiritwal na buhay ng mga bata at sa pagtuturo sa kanila ng mga mahalagang bagay sa buhay. Ang pagmuni-muni na ito ay makakatulong sa mga magulang na magbigay ng isang halimbawa at turuan ang kanilang mga anak na matakot sa Panginoon.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg