Pananampalataya Kay KristoHalimbawa
BAKIT KA NAG-ALINLANGAN?
“Halika,” sabi ni Jesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Jesus. 30 Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” 31 Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?” (Mateo 14:29-31)
May isang lingkod ng Diyos na nagturo tungkol sa pananampalataya sa isang simpleng paraan. Kahit ang isang maliit na bata ay maiintindihan ito. Sabi nito: "Mabubuhay lang ang isda dahil sa tubig". Katulad nito ay naaangkop sa mga taong matuwid, na maaari lamang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang taong hindi namumuhay sa pananampalataya ay hindi mananampalataya dahil, kung walang pananampalataya, ay imposibleng kalugdan ng Panginoon.
Ang pundasyon ng pananampalataya ay ang mga salita ng Diyos. Dapat nating matutunan ang mga salita ng Diyos tungkol sa banal na pagpapagaling na magiging batayan ng ating pananampalataya kapag mayroon tayong pananampalataya para sa kagalingan. Iyon ay maihahalintulad sa isang tao na dapat bumili ng mga pangunahing sangkap tulad ng harina, itlog, atbp., upang maghurno ng cake. Madalas tayong nadidismaya sa Diyos dahil hindi nasasagot ang ating mga panalangin. Hindi naman sa hindi sumasagot ang Diyos, kundi dahil wala tayong batayan upang ang ating panalangin ay matugunan. Nilikha ng Diyos ang buong mundo gamit ang Kanyang Salita. Samakatuwid, kung mayroon tayong Salita bilang batayan ng ating buhay, lilikha ang Salita ayon sa ating pananampalataya.
Kaya nga sinabi ni Hesus kay Pedro noong muntik na siyang malunod habang naglalakad sa tubig: "O kayong may maliit na pananampalataya, bakit kayo nag-alinlangan?" (Mateo 14:31). Sinasabi ng isa pang salin: "Bakit ka nag-iisip muli?" o "Bakit maliit ang iyong pananampalataya?" Ang mga pakiramdam ng pagdududa ay kadalasang nagmumula sa kawalan ng tiwala o pagdududa sa katapatan ng isang tao. Kapag tayo ay may pagdududa, inaakusahan natin ang Diyos na hindi Niya tayo kayang pangalagaan. Kaya naman lagi tayong tinuturuan ni Hesus na magtiwala sa Diyos nang buong puso nang walang pag-aalinlangan.
Pagninilay:
1. May pagdududa ka pa ba tungkol sa Diyos sa iyong puso?
2. Naranasan mo na bang madismaya sa Diyos dahil hindi nasagot ang iyong mga panalangin? Paano mo ito hinaharap?
Aplikasyon:
Kapag may pagdududa – manampalataya at humayo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyon na ito ay magpapatatag sa ating pananampalataya kay Kristo. Ang matibay na pananampalataya ay magpapatibay sa atin upang harapin ang anumang sitwasyon
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/