Ano ang Tunay na Pag-Ibig?Halimbawa
Konklusyon
Alang-alang sa lahat ng ating mga nabasa at natutunan at mga pagninilay-nilay nitong mga nakaraang mga araw, nananabik ba ang puso mong maunawaan ang tunay na pagmamahal at lubos ngang mahalin ang Panginoon?! Kailangan natin ang Panginoon. Siya lamang ang tanging makakapagpakita sa atin ng tunay na pag-ibig at kung paano mapapakawalan ang kasalanan na tila baga dumidikit sa atin nang husto. Ang pag-iwan sa sarili at pagpatay sa laman ay isang gawaing pang-habambuhay. Ang ibig sabihin nito ay kailangan nating isantabi ang sarili nating pamamaraan ARAW-ARAW at "mamuhay sa pananampalataya." Kailangan nating pagsanayang Isapuso ang Katotohanan at Gamitin ito sa pang-araw-araw na Buhay. Kailangan nating iwaksi ang mga kasinungalingan ng laman, ng demonyo, at ng mundo at isuklob ang katotohanang ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Habang natututunan nating isantabi ang mga kaginhawaan ng mundong ito, higit nating tatamasahin ang kaligayahan at presensya ni Cristo, at higit pang lalago ang kauhawan natin para sa Kanya. Tayo'y mababago sa pamamagitan ng pagbabago ng ating isipan at puso. Nanaisin nating iwan ang ating mga lumang pamamaraan at manatili sa mga kaginhawaan at mga pamamaraan ni Cristo at malaman ang tunay na ligaya at tunay na kaluguran mula sa tunay na pagmamahal. Mararanasan natin ang Kanyang pagmamahal sa at sa pamamagitan natin at matutupad natin ang layunin ng Diyos para sa atin na malinaw na nakasaad sa Westminster Cathechism. Ano ba ang pangunahing layunin ng tao? Ang pangunahing layunin ng tao ay ang luwalhatiin ang Diyos at malugod sa Kanya sa habang panahon!
Manalangin tayo, "Minamahal ko po kayo Panginoon sapagkat naririnig Ninyo ang tinig ko at ang mga pagsamo ko para sa Iyong kahabagan. Ang Iyong pagmamahal ay ibinuhos sa puso ko sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa akin. Salamat po, Panginoon!"
Pagsasapuso ng Katotohanan.
Pumili ng talata sa Banal na Kasulatan simula sa araw na ito at ito'y isapuso.
Pagwawaksi sa SARILI:
Anong kasalanan ang ipinauunawa sa iyo ng talata mula sa Banal na Kasulatan na iyong isinulat.
Pagsasabuhay ng Katotohanan:
Anong mga tiyak na pagbabago ang kinakailangan mo upang ang iyong pag-iisip at mga saloobin ay maisuko mo sa Diyos?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa www.thistlebendministries.org