Ang Muling Pagkabuhay Ni HesusHalimbawa
Muling Pagkabuhay ni Hesus
Pumunta sa libingan ni Hesus sina Maria Magdalena at Maria, at sinabi ng anghel sa kanilang si Hesus ay muling nabuhay.
Tanong 1: Paano naiiba ang muling pagkabuhay ni Hesus sa dati mong relihiyon o mga paniniwala?
Tanong 2: Kung nabubuhay ka noong araw na iyon, anong patotoo ang kakailanganin mo para makumbinsi ka na totoong nabuhay muli si Hesus?
Tanong 3: Ano ang nagtutulak sa ‘yong maniwala o mag-alinlangan na totoong nabuhay muli ang katawan ni Hesus?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakalarawan sa apat na aklat ng ebanghelyo ang kamatayan ni Hesus sa krus at ang muli Niyang pagkabuhay. Ngayong Pasko ng Muling Pagkabuhay, alamin kung paano tiniis ni Hesus ang pagkakanulo, pagdurusa at kahihiyan doon sa krus bago nagkaroon ng pagbabago ang mundo sa dahil sa pag-asang hatid ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.
More
Nais naming pasalamatan ang GNPI Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: http://gnpiphilippines.org/