Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 1 NG 20

Ayuno (fasting)

Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Siya’y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya’t siya’y nagutom. (Mateo 4:1-2)

Ang pag-aayuno ay ginagawa sa pamamagitan ng hindi pagkain o hindi pag-inom o ‘di kaya’y parehong hindi pagkain at pag-inom. Ito ay ginagawa nating mga Kristiyano bilang paraan ng paglilinis at paghahanda ng ating mga sariling makarinig mula sa Panginoon at hingin ang Kanyang gabay at direksyon para sa ating buhay, pamilya, ministeryo, komunidad, at bansa.

Maging si Hesus ay nag-ayuno ng apatnapung araw upang ihanda ang Kanyang sariling paglingkuran ang Panginoon at iligtas ang sangkatauhan.

Ngayong Semana Santa, pagbulay-bulayan natin ang ginawa ni Hesus para sa ating lahat sa pamamagitan ng mga salitang maiuugnay natin sa grasya ng Panginoon. Dalangin nating ito’y gamitin ng Diyos na instrumento upang mapaglalim pa ang Kanyang koneksyon sa atin at sa ating mga mahal sa buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas